Nanawagan ang grupong Ecowaste Coalition na panatilihin ang kalinisan sa paggunita ng Undas ngayong taon .
Kasunod nito naglabas ang grupo ng tinatawag na “cemetery etiquette” o “cemetequette’ para sa mga magtutungo sa sementeryo.
Kabilang sa sampung pointers na ipinalabas ng Ecowaste ay itapon ang basura sa tamang lagayan o kaya naman ay bitbitin na lamang ito pauwi at saka itapon, magdala ng water jug upang maiwasan ang pagbili ng mga bottled water at mag-alay ng sariwang bulaklak kesa mga plastic na bulaklak na kalaunan ay nagiging basura.
Paliwanag ng Waste and Pollution and Watch Group hindi magandang magkalat o magtapon ng basura sa mga himlayan dahil ito ay isang uri ng kabastusan para sa mga namayapa.
Umaasa naman si Aileen Lucero, National Coordinator ng Ecowaste Coalition na makikiisa ang publiko sa kanilang panawagang “waste-less observance” ngayong Undas.
—-