Humingi ng paumanhin ang Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) sa isang konsyumer na nasingil nila ng P 1.4-M.
Umabot sa P 1,472,000,973 ang electric bill ng pamilya ni Menchie Marayag Antonio na aniya’y napakalayo mula sa buwanang bayarin nila na P1,500.
Klinaro naman ng naturang electric coop na isolated case at resulta lamang ng meter reading error ang nangyari.
Samantala, nai-adjust na sa P 1,334.43 mula P 1.4-M ang bill ng customer. - sa panunulat ni Hannah Oledan