Ipagkakaloob pa rin ng gobyerno ang P100,000 cash gift sa sumakabilang buhay na centenarian.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Glenda Relova, kaagad namang makukuha ng kaanak ni Lola Eugenia ang cash gift nito basta’t maisumite ang lahat ng requirements base sa Centenarians Act of 2016.
Nakalulungkot aniyang hindi na napakinabangan ni Lola Eugenia ang kanyang cash gift, bagama’t hindi ito kabilang sa 952 centenarians na nakalistang dapat tumanggap ng P100,000.