Gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang 107-anyos na matandang babae sa Iran.
Ayon sa ulat, si Saltanat Akbari ay na-admit sa Khansari hospital sa lungsod ng Arak.
Makalipas naman ang ilang araw ay na-discharge sa pagamutan si Akbari nang magnegatibo ito sa virus sa tulong na rin ng mga doktor at nurse.
Mahigit 100,000 katao na ang dinapuan ng COVID-19 sa Iran habang mahigit 7,000 naman ang nasawi.