Isinususulong sa senado ang panukalang amyendahan ang Centenarians Act of 2016.
Ayon kay Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., layon ng Senate Bill 295 na ma-enjoy pa ng mga senior citizen ang kumpensasyon nilang makukuha sa pamahalaan.
Sa panukala ng senador, paghahati-hatiin na lamang sa ang P100-K natatanggap ng 100 years old sa tatlong edad.
Makatatanggap ng P25,000 ang matanda na aabot sa edad na 80 years old, P25,000 rin para sa edad 90 years old, samantalang P50,000 naman para sa 100 years old.
Sa kasalukuyang batas, tatanggap ng P100-k ang makaabot ng 100 years old kung saan ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay mahirap na abuting edad sa ngayon.