Ipawawalang saysay na ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang inilabas nilang commemorative bills na P100,000.00 at P2,000.00.
Ayon sa BSP, ito ay dahil sa bahagi ang mga ito ng new design series na una nang na-demonitized ng Central Bank.
Epektibo ang demonetization sa dalawang pambihirang salapi sa Agosto 1 ng susunod na taon.
Magugunitang ipinalabas na ng BSP ang commemorative bills na P100,000.00 at P2,000.00 kasabay ng pagdiriwang ng sentenaryo ng kalayaan gayundin ang pag-upo ng ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada bilang Pangulo ng bansa noong 1998.