Ilulunsad ng Archdiocese of Manila ang isang religious structure para sa mga sinasaniban o inaalihan ng masasamang espiritu.
Sinimulan na ang groundbreaking noong Mayo a-disi-siete sa Bernardino street corner EDSA, Guadalupe Viejo, Makati City na gagawing head quarters ng Philippine Association of Catholic Exorcists (PACE).
Nanguna sa nasabing groundbreaking sina Cardinal Jose Advincula at Fr. Francisco Syquia, direktor ng Archdiocese of Manila Office on Exorcism (AMOE) kung saan, ang naturang ‘center of exorcism’ ay may pangalang Saint Michael Center for Spiritual Liberation and Exorcism na sinasabing “first of its kind in Asia, if not the world.”
Nabatid na maaaring dalhin ang mga taong sinasaniban sa nasabing center para doon linisin laban sa mga ng masasamang espiritu at mga demonyo.