Dalawang (2) bagyo pa ang kailangan sa Central Luzon para gumanda ang water level sa Pantabangan Dam.
Malaking tulong din ang tubig mula sa bagyo sa irigasyon ng halos 40,000 ektarya ng lupang pansakahan.
Ayon kay Reynaldo Puno, Operations Manager ng Upper Pampanga River Intergrated Irrigation Systems ng National Irrigation Administration, halos 6 na metro ng tubig-ulan ang normal na dala ng isang bagyo.
By Judith Larino