Inianunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagsasara ngayon ng kanilang central office sa Quezon City upang bigyang daan ang disinfection.
Ito’y matapos magpositibo ang isa sa mahigit 300 tauhan ng ahensya na sumailalim sa rapid testing noong nakaraang linggo.
Dahil sa pagsasara ng main office, asahan na umano ang delay sa delivery ng administrative services at iba pang transaksyon.
Magpapatuloy naman ang serbisyo ng LTFRB sa Metro Manila area sa pamamagitan ng kanilang public transport online processing system.