Mahigpit nang binabantayan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang punong tanggapan ng PhilHealth sa Pasig City.
Simula pa noong Biyernes hanggang sa mga sandaling ito, ay nakaantabay na ang mga NBI agent sa entrada ng opisina ng PhilHealth.
Ito’y upang masigurong masusing nababantayan ang mga mahahalagang dokumentong magpapatunay sa mga nangyaring talamak na kurapsyon sa ahensya.
Hindi naman bababa sa 9 na NBI agent ang nakaposte ngayon sa tanggapan ng PhilHealth.