Nakakaranas na ng ikatlong bugso ng COVID 19 pandemic ang Region 7 o Central Visayas.
Ayon ito kay Dr. Eugenia Mercedes Caña a, pinuno ng DOH-Region 7 kung saan pasirit ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon at hindi lamang sa Cebu City sa nakalipas na apat na linggo o isang buwan.
Sinabi ni cania na pangunahing dahilan nang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Region 7 ang paglutang ng mga mas nakakahawang variant ng nasabing virus.
Bukod pa ito aniya sa mga pagtitipon ng ilang residente tulad ng kasal, fiesta at maging birthday celebration kung saan tila nakakalimutan nang sumunod sa health and safety protocols at maging ang hindi pantay na pamamahagi ng COVID-19 vaccines.
Gayunman inihayag ni Caña na mas maayos naman ang kalagayan ng central Visayas sa ngayon kumpara sa second wave ng pandemya nuong Pebrero at Marso.