Target ng gobyerno na magkaroon ng isang portal lamang ang mga ahensya para gawing centralized ang online services para sa publiko.
Ayon kay DICT o Department of Information and Communication Technology Secretary Rodolfo Salalima, layon nitong mapasimple at mapabilis ang serbisyong ibinibigay ng gobyerno.
Kaugnay nito, nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na nag-uutos sa lahat ng ahensya na ipasa ang kanilang mga datos at sistema sa DICT bilang paghahanda sa gagawing government portal.
Aniya, sa ngayon ay umaabot na sa 125 government agencies ang nagsimula nang maglipat ng kanilang data sa DICT dahil tiwala umano ang mga ito na mas ligtas sa kanila.
By Rianne Briones
Centralized online services sa publiko plano ng gobyerno was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882