Pagbili ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng mga lokal na pamahalaan hindi pa pupuwede.
Ayon sa Department of Health (DOH), tanging ang national government pa lamang ang makakabili dahil nasa emergency use authorization (EUA) pa lamang ito; na ang Food and Drug Administration (FDA) ang makakapag-apruba.
Kinakailangan pa umanong mayroong certificate of product registration (CPR) bago makabili ang mga LGU sa manufacturers ng naturang bakuna.
Sinabi pa ni DOH Spokersperson Maria Rosario Vergeire, hindi pa aniya mabibigyan ng CPR ang mga bakuna kontra COVID-19 dahil nasa Phase 3 o hindi pa tapos ang clinical trials ng mga ito.
Samantala, hinikayat naman ng DOH ang mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa gobyerno sa naturang usapin sa bakuna.