Nagkasa na ang PhilHealth ng coverage para sa cervical cancer kung saan sasagutin nito ang screening sa pamamagitan ng konsulta o konsultang sulit at tama.
Pasok din ang cervical cancer sa Z benefits package kung saan pumapalo na sa P31-M na ang nabayarang benefit claims ng PhilHealth simula 2015.
Tiniyak ni PhilHealth Chief Emmanuel Ledesma, Jr. Ang pag alalay sa mga mayroong cervical cancer na nararanasan ng mahigit 7,000 kababaihan at ikinamatay na ng 4,000 nagtataglay nito.
Binigyang diin ni PhilHealth President Ledesma ang kahalagahan ng pagkakaruon ng mas maraming healthcare providers sa Z benefits package para sa cervical cancer upang masigurong magagamit ng mas maraming pasyente ang nasabing benepisyo.
Sa ngayon ay mayruong dalawang Z benefits packages ang philhealth na sumasakop sa kumpletong proseso ng gamutan sa cervical cancer para sa stages IA1, IA2-IIA1 kung saan nakapaloob ang P120,000 na Chemoradiation with Cobalt at Brachytherapy na mababang dosage at P175,000 para sa Chemoradiation with Linear Accelerator at Brachytherapy o mataas na dosage.
Ayon sa Department of Health, ang cervical cancer ay ikalawa sa pinaka karaniwang cancer na na nararanasan ng mga kababaihang may edad kinse hanggang 44 at kabilang sa sintomas ng sakit na ito ang abnormal na pagdurugo o hindi kanais nais na amoy sa discharge ng ari, pagdurugo matapos ang pakikipagtalik, patuloy na pananakit ng likod, binti o balakang at hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang.
Inirerekomenda naman ng world health organization ang cervical cancer screening para sa mga kababaihang nasa tatlumpung taong gulang o mga babaeng sexually active gayundin ang hpv o human papillomavirus tests para sa cervical cancer screening kaysa sa cytology.
Binigyang diin pa ng W.H.O. na bakuna sa mga batang babae na may edad 9 hanggang 14 ang unang depensa laban sa HPV.
Samantala, iniulat naman ni Professor Dindo maralit ng stratbase ADR institute kasama ang ilan pang cancer societies at cancer free movement ang pagtalakay atpagtutok nila sa ilang evidence based at cost effective interventions na makakatulong na bumaba ang kaso ng cervical cancer sa pilipinas kasabay ang paglulunsad ng zero cervical cancer movement.