Higit pang pinaigting ni Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire ang pag-eensayo nito sa kaniyang huling training sa top rank gum sa Las Vegas, Nevada.
Bukas nakatakdang tumulak pa San Juan, Puerto Rico si Donaire para sa 12 round WBO super bantamweight title fight niya laban kay Mexican boxer Cesar Juarez sa December 12.
Binigyang diin ni Donaire na batid niya ang style ni Juarez subalit may mga ikinakasa pa silang game plan sa nasabing laban.
Target ng kampo ni Donaire na tapusin ang laban sa pamamagitan ng second round knockout.
By Judith Larino