Ginawaran ng Career Executive Service Officer (CESO) rank ang mga nagtapos ng Master of National Security Administration Program ng National Defense College of the Philippines, kung saan umuukupa sila ng Career Executive
Service Positions. Nakasaad ito sa Executive Order 145 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte. Binigyang-diin sa EO ang pangangailangang palakasin at maipatupad ang polisiya hinggil sa pagbibigay ng CESO rank sa mga nagtapos sa MNSA program para paramihin ang leader managers sa gobyerno at pagpapaigting sa kalidad ng policy formulation at governance sa public sector.
Nakapaloob din sa EO ang pagtataas sa salary grade 25 o 98K mula sa salary grade 24 o 86K kada buwan ng MNSA graduates na may hawak ng career service positions sa division level.