Isang Cessna plane na papunta sanang Palanan, Isabela ang nawawala.
Nabatid na ang naturang eroplano na may registry number RP-C1234 ay nag-take off sa Cauayan Airport dakong 9:39 ng umaga at inaasahang lalapag sa Palanan Airport pagkalipas ng 25 minuto nang mawalan ito ng komunikasyon sa Cauayan Airport tower.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Cauayan Aviation Police Station Chief, Captain Eduard Caballero nabatid na dalawa ang sakay ng nawawalang Cessna plane kabilang ang piloto nito na kinilalang si Captain Levy Abul II.
Samantala, nagsasagawa na imbestigasyon at search and rescue ang mga otoridad. - sa panulat ni Maianne Palma