Nawalan ng komunikasyon ang isang Cessna plane ilang minuto matapos itong lumipad mula sa Bicol papuntang Maynila. Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), umalis patungo sanang Maynila ang RP-C2080 na may sakay na apat na pasahero mula Bicol International Airport bandang 6:43 kaninang umaga, Pebrero 18.
Nabatid na huli itong nagkaroon ng contact sa Legazpi Approach at Camalig Bypass bandang 6:46 ng umaga at mula noon ay nawalan na ng komunikasyon. Negatibo rin ang resulta ng communication search sa CAAP ATS Facilities, Manila Area Control Center, Manila Approach, Naga Tower, Clark Tower at Sangley Airport.
Dahil dito, itinaas ng Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) ang alerto sa Distress Phase (DETRESFA) bandang 9:08 ng umaga kasunod ng malawakang extended communication efforts sa kinaroroonan ng naturang eroplano.