Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang pagsadsad ng isang cessna plane sa Lingayen airport.
Ayon sa pamunuan ng airport, alas-2:00 ng hapon kahapon nang lumapag ang cessna plane na may body number RPC-8862 na pinapalipad ng isang student pilot.
Maayos naman ang paglapag ng eroplano, pero nagkaproblema sa makina nito hanggang sa lumagpas ito sa runway at dumiretso sa damuhan.
Ang nasabing eroplano ay pagmamay-ari ng Omni Aviation Corporation.
By Meann Tanbio