Itinalaga bilang executive director ng Cybercrime Investigation And Coordinating Center (CICC) ang dating pulis na si Cezar Mancao II.
Ito ang kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Media Relations Office bagama’t hindi na sinabi kung kailan ito nagsimula sa tungkulin.
Ayon sa DICT, itinatag ang CICC sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 kung saan pangangasiwaan nito ang pagbalangkas ng National Cyber Security Plan.
Gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga paghahanda ng mga kinakailangan at epektibong hakbang para mapigilan at masugpo ang mga aktibidad na may kinalaman sa cybercrime.
Magugunitang kabilang si Mancao sa mga kinasuhan sa kasong pagpatay sa PR man na si Salvador Buby Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito noong Nobyembre ng taong 2000.