Nagpahayag ng pagkabahala ang Center for Media Freedom and Responsibility ang nangyaring pagpaslang sa radio broadcaster na si Audrey Estrada sa Bacolod, Lanao del Norte.
Ayon kay CMFR Executive Director Melinda Quintos De Jesus, nakakabahala ang mga ganitong insidente lalo na’t nalalapit na ang eleksyon na gaganapin sa Mayo a-nuebe taong kasalukuyan.
Paalala ni de Jesus, kailangan maging maingat ang mga mamamahayag mula sa anumang uri ng karahasan bago ang eleksyon.
Matatandaang ilang araw lamang ang nakalipas matapos ang paghahain ng kandidatura noong nakaraang taon nang pagbababarilin ang isa pang radio commentator at reporter na si Orlando Dinoy sa Davao del Sur at pinaslang naman ang radio commentator na si Jaynard Angeles sa Sultan Kudarat noong January 12. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles