Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaharap sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III sa ipinatawag na National Security Council Meeting sa Malacañang.
Ang NSC Meeting ay ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte para talakayin ang Roadmap to Peace and Development, ang pinalakas na kampanya laban sa iligal na droga at ang usapin sa West Philippine Sea.
atay sa kuhang video ng PTV 4, umiwas si dating Pangulong Aquino kay Arroyo kung saan kinamayan nito sina Pangulong Duterte, dating Pangulong Fidel Ramos at Joseph Estrada, maliban kay GMA.
Sa nasabing meeting, iprinisinta ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza ang Peace Roadmap.
Tinalakay naman ni PDEA Director General Isidro Lapeña ang usapin sa droga habang si DFA Secretary Perfecto Yasay ang nagsalita kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.
By: Meann Tanbio