Balik-trabaho na ang dating Pangulo ngayo’y Congresswoman Gloria Arroyo ngayong araw na ito matapos siyang makalaya mula sa hospital arrest noong isang lingo.
Ang dating pangulo ay dumating sa Batasang Pambansa, 15 minuto bago mag alas-9:00 kaninang umaga para dumalo sa SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sumali muna sa pag-aalmusal ng mga kapwa kongresista ang dating Pangulo sa pangunguna ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez.
Nakasuot pa ng neck brace ang dating pangulo nang dumating sa Nograles Hall.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)