Itinanggi ng kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Arroyo na interesado itong maging gobernador ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon kay dating First Gentleman Mike Arroyo, pawang fake news ang naglalabasang balita hinggil sa mga posisyong tina target di umano ng kanyang asawa.
Tinukoy rin ni Arroyo ang balita na target rin ni Congresswoman Arroyo ang maging House Speaker o maging Prime Minister sakaling maging federal system na ang pamahalaan.
Una rito, lumutang ang pangalan ni Arroyo na plano di umanong ipalit sa kay BSP Governor Amando Tetangco na magreretiro na sa Hulyo.
By Len Aguirre