Ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makalabas ng ospital para dumalo sa 40th day mass sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Arturo Macapagal sa Setyembre 19, Sabado.
Sa isang resolusyon, pinaboran ng Sandiganbayan 1st division ang argumento ng prosekusyon na hindi ito dapat payagang magtungo sa misa, inurnment rites at post-inurnment prayers para sa kapatid niyang si arturo.
Ayon sa korte, gaya ng ibang mga bilanggo, si Arroyo ay hindi dapat pagkalooban ng full enjoyment ng kanyang civil at political rights.
Una na itong tinutulan ng office of the special prosecutor dahil maaari naman umanong manalangin para sa kanyang kapatid si Arroyo kahit ito’y nasa Veterans Memorial Medical Center o VMMC.
By: Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)