Hiniling ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan na payagan siyang makalabas ng Veterans Memorial Medical Center o VMMC para makadalo sa misa ng paggunita ng ika-40 araw ng pagkamatay ng kanyang kapatid na si Arturo Macapagal.
Sa isang mosyon sa Anti-Graft Court, ipinaliwanag ni Arroyo na nais niyang dumalo sa misa na gagawin bandang alas-11:00 ng umaga sa Setyembre 19 sa Heritage Park, Taguig City.
Nais ni Arroyo na payagan siya ng Sandiganbayan na manatili roon sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga at alas-2:00 ng hapon sa naturang petsa.
Matatandaang pumanaw si Macapagal sa edad na 72 habang ito ay naka-confine sa Makati Medical Center dahil sa komplikasyon ng sakit nitong cancer.
By Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)