Muling humirit ng 5-oras na furlough sa Sandiganbayan si dating Pangulong Gloria Arroyo para makadalo sa libing ng kanyang nakatatandang kapatid na si Arturo Macapagal.
Sa tatlong pahinang supplement, hiniling ng kampo ng dating Pangulo sa First Division ng Anti-Graft Court na payagan siyang makipaglamay sa kanyang kapatid at makadalo sa libing nito sa Sabado.
Ayon sa kampo ng depensa, nais ni Arroyo na makadalo sa funeral mass, interment rites at post-interment prayers sa Heritage Park sa Taguig City sa Sabado, Agosto 15, 2015, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.
Ang kasalukuyang Pampanga Representative ay naka-hospital arrest dahil sa kasong plunder na may kaugnayan sa pagkakawaldas ng charity funds.
By Jelbert Perdez