Si dating pangulo ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at hindi si dating Pangulong Noynoy Aquino ang siyang nagkanulo sa Pilipinas hinggil sa usapin ng West Philippine Sea.
Ayon kay AKBAYAN Rep. Tom Villarin, si Arroyo mismo ang lumagda para sa joint marine seismic undertaking ng Pilipinas at China sa nasabing karagatan.
Ito aniya ang nagbigay ng pagkakataon sa China upang mapasok ang mga isla at bahurang inaangkin ng Pilipinas para tayuan ng kanilang mga istruktura.
Giit pa ng mambabatas, ginawa umano iyon ni Arroyo kapalit ng maanomalyang NBN ZTE deal na pinasok ng Pilipinas sa China gayundin ng nabulilyasong North Rail Project.
Una rito, sinisi ng kampo ni ginang Arroyo si dating Pangulong Noy na siyang nag-udyok na maghain ng protesta ang Pilipinas sa United Nations na naging mitsa naman ng pagiging agresibo ng China sa paggawa ng mga artipisyal na isla.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc