Malabo umano ang posibilidad na maka-pamasko si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang tahanan sa La Vista, Quezon City o ‘di kaya’y sa Pampanga.
Ito’y matapos sabihin ni Sandiganbayan Justice Efren de la Cruz na saklaw ng ’90 days status quo ante order’ ng Korte Suprema ang house arrest motion ni Arroyo na nakabinbin sa unang dibisyon ng Anti-Graft Court.
Paliwanag ni de la Cruz, sa loob ng tatlong buwan ay hindi magkakaroon ng anumang pagdinig sa naturang hirit ng dating Pangulo hanggang sa Pebrero sa susunod na taon.
By Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)