Tiniyak ni dating Pangulo ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo na mananatili ang kaniyang suporta sa administrasyong Duterte.
Inihayag ito ni Ginang Arroyo sa kabila ng pagkakasibak sa kaniya bilang Deputy Speaker ng Mababang Kapulungan matapos bumoto kontra sa pagbabalik ng parusang bitay.
Matapos ang nangyaring balasahan sa Kamara, nagpasalamat si Arroyo kay Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Pantaleon Alvarez sa tiwalang ibinigay sa kaniya gayundin ang pag-unawa sa kaniyang posisyon sa nasabing panukala.
Binigyang diin ni Ginang Arroyo na prinsipyo at konsensya ang kaniyang naging batayan sa pagboto lalo’t nilagdaan niya ang batas na nagpapatigil sa parusang bitay nuong siya’y nanungkulang Pangulo ng Pilipinas.
By Jaymark Dagala / Jill Resontoc (Patrol 7)