Kumalas na sa Lakas ang dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal – Arroyo.
Nanumpa na si Arroyo bilang miyembro ng PDP – Laban sa pangunguna ng secretary general nitong si House Speaker Pantaleon Alvarez.
Binigyang-diin ni Arroyo na ang pagsanib niya sa ruling party ay bilang pagpapakita ng suporta sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod kay Arroyo, nanumpa rin sa PDP – Laban si dating Agriculture Secretary ngayo’y Bohol Representative Arthur Yap na isa ring Lakas Stalwart, Camiguin Representative Xavier Jesus Romualdo, dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman at Atty. Raul Lambino.