Kinatigan ng Korte Suprema ang kahilingan ng kampo ni dating Pangulo ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Ito’y para payagan siyang makaboto sa kaniyang bayan sa Lubao, Pampanga sa darating na eleksyon sa Mayo 9.
Kasalukuyang botante si Arroyo sa nasabing bayan na tumatakbo para sa ikatlong termino bilang kinatawan.
Kasalukuyang naka-hospital arrest ang dating Pangulo dahil sa multi-bilyong pisong paglustay umano sa intelligence fund ng PCSO.
By Jaymark Dagala | Bert Mozo (Patrol 3)