Pinayagan ng Sandiganbayan First Division ang mosyon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo na makapagpa-check up sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City mula Oktubre 21-22.
Ayon sa Sandiganbayan, pinagbigyan nila ang hirit ni Arroyo bilang humanitarian consideration.
Sa naging mosyon ni Arroyo, sinabi nitong pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na sumailalim sa nerve conduction velocity testing matapos siyang makaranas ng pamamanhid sa kaliwa nitong braso.
Naniniwala ang mga doktor na posibleng may problema ang dating Pangulo sa kanyang cervical spine.
By Ralph Obina | Jill Resontoc (Patrol 7)