Nakatakda nang sumalang sa overnight check up ang dating Pangulong Gloria Arroyo.
Si Arroyo ay dumating sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City kaninang umaga kasama ang asawang si Atty. Mike Arroyo.
Hindi naman masabi ni Atty. Larry Gadon, abogado ni Arroyo kung anu-anong medical tests ang gagawin sa dating Pangulo na una nang inirereklamo ang papamanhid ng kaniyang kaliwang braso at mahinang grip ng kaniyang mga kamay.
Sinabi ni Gadon na posibleng may kinalaman ang mga nararamdamang ito ng dating Pangulo sa kaniyang problema sa cervical spine.
Balik Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang dating Pangulo bukas.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)