Ginagamit lamang umano ng administrasyong Duterte ang Cha-Cha at Federalismo para solong makontrol ang gubyerno.
Ayon iyan sa grupong MAT o Movement Against Tyranny, bilang bahagi ng paghahanda sa serye ng mga pagkilos laban sa namumuong diktadura umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni MAT Founder at NUPL Chairman Neri Colmenares, tila ginagaya lamang ng kasalukuyang administrasyon ang rehimeng Marcos na unti unting pinatay ang Kongreso para palitan ng parliamento na pawang kontrolado ng palasyo.
Maliban dito, binatikos din ni Colmenares ang malaking bilang ng mga napatay sa unang bugso ng war on drugs na hindi pa rin inaaksyunan, gayundin ang pagsususpinde kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang na aniya’y malinaw na paglabag sa saligang batas.
Posted by: Robert Eugenio