Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na hindi prayoridad ng Senado ang charter change.
Ito ay matapos lumabas ang balita hinggil sa umano’y pagpasa ng Kamara sa resolusyon na mag a-amyenda sa 1987 constitution.
Ayon sa senador, hindi siya makapagbibigay ng kahit anong intelligent assessment hanggat hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng mga naturang balita.
Paliwanag pa ni Sotto, maging ang terminong kanilang ginagamit na ‘resolution of both houses of Congress’ ay hindi pa malinaw para sa kaniya.
Magugunitang inaprubahan ng House Constitutional Amendments Comittee ang resolusyon na mag aamyenda sa ilang economic restrictions ng umiiral na konstitusyon.