Aprubado na sa committee on constitutional amendments ng kamara ang Resolution of Both Houses No. 2 o ang isinusulong na economic Charter Change (Cha-Cha).
Ito’y makaraang makakuha ng 62 na botong ‘yes’ ang panukala, 3 boto na ‘no’, at 3 ang nag-abstain dahilan para i-adapt ang naturang panukala na may mga amyenda para iakyat sa plenaryo ng kamara.
Mababatid na sa bersyong inihain sa kamara, laglag na ang proposal na payagang mag-ari ng lupa sa bansa.
Kaugnay nito, iginiit ng chairman ng naturang kumite ng kamara na si Representative Alfredo Garbin na sentro ng naturang Cha-Cha ay ang restrictive economic provisions lamang at walang anumang plano na isingit ang anumang term extension. —ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)