Arangkada na bukas ang pagtalakay ng Mababang Kapulungan sa panukalang amyendahan ang Saligang Batas.
Ayon kay Cong. Rufus Rodriguez, mayroong sapat na suporta sa kongreso ang Cha-cha (Charter change) kaya’t inaasahan nyang uusad na rin ito matapos ang mahabang panahon na lagi itong naisasantabi.
Sa ilalim ng panukala ni Rufus, nais nyang pagpasyahan ng Kongreso sa pamamagitan ng batas kung papayagan ang mas mataas na foreign investments sa mga sektor na tulad ng public utilities, education, environment at iba pa.
This 11 sentences in the Constitution, lalagyan namin ng comma every sentence, as may be provided by law, so, in other words, let Congress determine upon inviting the private sector, the NEDA, kung panahon na ba na i-lift na ang 40 percent, pwede ring 100 percent, yung mag-iinvest ng public utility, communication,” ani Rufus.
Isa pa sa mga probisyong nais mapalitan ni Rodriguez sa Saligang Batas ang haba ng termino ng mga barangay captains, mayor, konsehal, governor at congressmen.
Why do we go to four years? We know that three years is very short; first year you win, you make your plans; second year, you implement; third year, ikakampanya na, so therefore, hindi masyadong continuous ang delivery, but, there is still a three-term limit, at this will be applicable not this Congress because it will be self-serving. It will be applicable the next Congress,” ani Rufus.
(Ratsada Balita Interview)