Kinontra ng Malacañang ang paniwala ng ilang senador na kailangan muna ang Charter Change o Cha-Cha bago maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ginawa ng Palasyo ang pahayag bilang tugon sa committee report ni Senator Miriam Santiago na may mga probisyon ang BBL na labag sa Saligang Batas at kakailanganin na magkaroon ng pag-amyenda sa konstitusyon para maipatupad ito.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, Jr., kung mayroong grupo na kukuwestiyon sa legalidad ng BBL sa Korte Suprema, bahagi ito ng proseso ng demokrasya sa anumang panukalang batas na tinatalakay.
By Jelbert Perdez