Napatid ang chain of command sa ‘Oplan Exodus’.
Ito ang inihayag ni Senador Gringo Honasan ilang araw matapos ang reinvestigation ng Senado sa madugong Mamasapano incident na ikinasawi ng SAF 44.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Honasan na lahat ng mga nakaupong opisyal na may kinalaman sa operasyon kabilang si Pangulong Noynoy Aquino III ay maaaring may pananagutan sa malagim na insidente.
Giit ni Honasan, nang dahil sa madugong pangyayari ay nadamay ang Bangsamoro Basic Law o BBL na isang hiwalay na usapin.
“Yung Pangulo natin, hindi ko naman po iniiwas noh dapat nagdedesisyon batay sa impormasyon na ibinibigay sa kanya ng kanyang staff at kanyang subordinate commander, kung sinabihan niya yung isang opisyal na suspendido dapat sumagot agad yung opisyal na yun, na Sir mawalang-galang na po eh ang katayuan ko ngayon eh suspendido ako.” Pahayag ni Honasan.
By Jelbert Perdez | Sapol ni Jarius Bondoc