Dumipensa si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista kaugnay sa rekomendasyon ng NPC o National Privacy Commission na kasuhan siya ng kriminal kaugnay sa ‘Comeleak’ sa nakalipas na eleksyon.
Sinabi sa DWIZ ni Bautista na bilang Chairman ng COMELEC ay umaasa lamang siya sa expertise ng kanilang information technology department.
Nagtataka lamang aniya siyang nagdesisyon ang NPC na kasuhan siya nang hindi hinihintay ang compliance report ng COMELEC.
Magugunitang nag-leak sa internet ang milyun-milyong voter’s registration matapos ma-hack ang COMELEC website.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista
By Judith Larino