Inanunsyo ni COMELEC Chairman Andy Bautista na magkakaroon sila ng nationwide post assessment sa Hulyo na may kaugnayan sa May 9 elections.
Ayon kay Bautista, layon nito na matulungan sila sa panukalang electoral reform.
Kasabay nito, sinabi ni Bautista na wala siyang planong magsumite ng courtesy resignation sa ilalim ng administrasyon ni presumptive president Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag ni Bautista na ito’y dahil namumuno siya sa isang independent constitutional body.
By: MeAnn Tanbio