Patay ang chairman ng Bids and Awards Committee ng San Jose del Monte, Bulacan matapos itong pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang tahanan ng hindi pa nakikilalang mga salarin kagabi.
Kinilala ang nasawing biktima na si Orpha Velasquez, 50-taong gulang at residente ng Barangay Fatima 2 sa nasabing bayan.
Batay sa imbestigasyon, kabababa lamang ng biktima sa kanyang sasakyan at papasok na sana ito sa loob ng kanyang bahay nang bigla itong pagbabarilin ng suspek na lulan ng isang mitsubishi adventure at isang lalaki na sakay naman motorsiklo.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian na rin ito ng buhay dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan.
Malaki ang hinala ng kapulisan na personal na motibo ang pagpatay sa biktima.
—-