Sugatan ang isang Barangay Chairman habang nasawi ang kanyang kapitbahay na inawat nito habang nag-aamok sa Basey, Samar
Kinilala ng awtoridad ang biktimang si Chairman Demitriu Ata, 58 – anyos,
Habang nasawi sa insedente ang suspek na si alyas Federico 59 – anyos nang manlaban ito sa mga awtoridad habang dinarakip sa kanilang bahay.
Sa ulat ng pulisya, rumesponde ang biktima kasama ang isang tanod sa lugar nang isumbong sa kanya ang pag-aamok ng suspek.
Sinubukang pakiusapan ng biktima ang suspek na sumuko pero sa halip na sumunod ay inatake nito ang huli at nanaga.
Tumakas ang suspek pagkatapos ng krimen pero natunton ito ng mga pulis sa kanilang bahay.
Gayunman, sa halip na sumuko ay nanlaban ang suspek na naging dahilan para putukan ito ng mga awtoridad.