Pormal nang napasakamay ng Singapore ang chairmanship ng ASEAN Ministries Responsible for Information matapos ang matagumpay na turn over ceremony na ginanap sa naturang bansa.
Ipinasa ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang chairmanship kay Singapore Minister Iswaran kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng member states at ang ASEAN Secretariat sa lahat ng kontribusyon upang maging posible ang lahat ng layunin ng ASEAN information sector.
Isa na umano rito ang kampanya kontra sa pagkalat ng fake news sa rehiyon habang pinalalakas ang information literacy ng mga mamamayan lalo na ng mga kabataan sa ASEAN.
—-