Maituturing na malaking tagumpay ang chairmanship ng Pilipinas ng ASEAN Summit 2017.
Ito ang binigyang – diin ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, sa kanyang mensahe sa huling araw ng 31st ASEAN Summit and Related Summits ngayong Martes, Nobyembre 14.
Ayon kay Lopez, ang tunay na layunin ng Pilipinas bilang chair ng ASEAN Economic Ministers sa mga nakalipas na taon ay tiyaking makalalahok sa kalakalan sa pamamagitan ng pagpapa-unlad sa micro, small, and medium enterprises.
Nakatutok aniya sila sa economic growth ng ASEAN sa pamamagitan ng mas malalim na regional integration kung saan lahat ay makikinabang.