Pinaplantsa na ng liderato ng Kamara de Representantes ang committee chairmanships para sa ika-17 Kongreso.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, layon nitong masimulan agad ang mga pagdinig hinggil sa mga inihaing panukalang batas at resolusyon na isinumite ng mga mambabatas.
Mula sa 58 standing committees sa Kamara, 14 sa mga ito ang itinuturing na special committees.
Ilan sa mga nabigyan na ng committee chairmanships ay sina San Juan Rep. Ronaldo Zamora bilang Chairman ng House Contingent sa Commission on Appointments.
Davao city Rep. Karlo Nograles sa House Appropriations Committee; Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Committee on Energy; Leyte Rep. Lucy Torres Gomez sa Committee on Tourism at Palawan Rep. Franz Alvarez sa Committee on Legislative Franchise.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)