Nagbitiw na bilang pinuno ng Commission on Higher Education o CHED si Chairperson Patricia Licuanan.
Inihayag ni Licuanan ang kanyang pagbibitiw sa flag raising ceremony ng CHED kung saan nagpaalam at nagpasalamat siya sa mga empleyado ng ahensya.
Tinawagan aniya siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea at hiniling na tapusin nang maaga ang kanyang termino na dapat sana ay hanggang July 2018 pa.
Binigyang diin ni Licuanan na malinaw namang mayroong mga taong determinadong mawala siya sa ched sa pamamagitan ng kanilang mga walang basehang akusasyon.
Una rito, inamin ni Licuanan na walo ang kanyang official travel noong nakaraang taon, lima noong 2016 at anim noong 2015.
Matatandaang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin ang mga opisyal ng pamahalaan na madalas mag-abroad.
Unang nasampolan nito sina dating Secretary Terry Ridon ng Presidential Commission on the Urban Poor at MARINA Administrator Marcial Amaro III.
—-