Nanawagan ngayon ang grupo ng mga guro para sa kanilang chalk allowance.
Ito ay dahil bagamat isang linggo nang nagsimula ang pasukan hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay sa mga guro ng pamahalaan ang dalawan libo at limandaang piso (P2,500) nilang chalk allowance.
Giit ng Teachers Dignity Coalition o TDC, naibigay na ito dapat bago pa man magsimula ang pasukan dahil sa kinakailangan ito para sa pagtuturo ng mga guro gaya ng mga kailangang chalk, markers, papel, cardboards at iba pang gamit.
Binigyang diin pa ng TDC na kailangang kailangan ng mga guro ang kanilang chalk allowance lalo’t malaki ang inaasahan ng Department of Education o DepEd sa mga guro.
By Ralph Obina
Chalk allowance mula sa gobyerno di pa natatanggap ng mga guro was last modified: June 10th, 2017 by DWIZ 882