Tataas ng isang libong piso ang ‘chalk allowance’ na ginagamit ng mga guro sa mga pampublikong paraalan.
Ayon kay Education Undersecretary for Legislative Liaison Office Tonisito Umali, simula sa susunod na taon ang dating P2,500 allowance sa mga chalk ay magiging P3,500 na.
Umaasa si Umali na makatutulong sa mga guro ang pagtaas ng ‘chalk allowance’ para mas maging epektibo pa sila sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante.
Tiniyak din ni Umali sa mga guro na patuloy ang paghahanap ng DepEd ng solusyon sa ilan pang suliranin na kinakaharap sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
—-